Show Menu
Cheatography

KomFil: Modyul 1-2 Cheat Sheet by

ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA

Kahulugan ng Wika

•Ang wika ay isang bahagi ng pakiki­pag­tal­astasan na ginagamit araw-araw.
•Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan.
•Tinat­ayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig.

Henry Gleason
-ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinas­aayos sa paraang arbitraryo upangm­agamit ng mga taong may iisang kultura.
Archibald Hill
-ang wika ang pangunahin at pinaka­mab­usising anyo ng gawaing pansagisag ng tao.
Thomas Carlyle
-ang wika ay itinut­uring na saplot ng kaisipan; gayunp­aman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot­-ka­ala­mnan, ang mismong katawan ng kaisipan.
Vilma Resuma at Teresita Semorlan
-ang wika ay kaugnay ng buhay at instru­mento ng tao upang matalino at efisye­nteng
makilahok sa lipunang kinabi­bil­angan.
Pamela Consta­ntino at Galileo Zafra
-ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsas­ama­-sama ng mga ito
para magkau­nawaan o makapa­gko­myu­nikeyt ang isang grupo ng mga tao.
Caroll (1973)
-wika ay masist­emang estruktura ng sinasa­litang tunog at pagsas­aayos nito sa paraang arbitraryo upang makamit sa interp­ersonal na pakiki­pag­kom­uni­kasyon at ang makabu­luhang pagsasama-
sama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangka­tauhan.
Basil Bernstein
-ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay nagrer­epr­esenta ng mga code. Ang mga code na ginagamit ay naaayon sa kinabi­bil­angan sa lipunan.
-Nanin­iwala siyang nagkakaiba ang ginagamit na wika dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan.
Benjamin Lee Whorf
-ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa
kaniyang kapali­giran.
Edward Sapir
-ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.
-Ginagamit niya ang wika bilang kasang­kapan sa sosyal­isasyon na kung walang wika, walang iiral na relasyong sosyal.
-Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipa­g-u­gnayan sa iba na nagbubunga ng pagkak­aroon ng solida­ridad at pagkakaisa ng mga tagapa­gsalita ng naturang wika.
Chomsky
-ang wika bilang isang sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan.
-Dagdag pa niya, ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.

KATANGIAN NG WIKA

•May sistematik na balangkas
•Binib­igkas na tunog
•Pinipili at isinas­aayos
•Arbit­raryo
•Kapantay ng kultura
•Patuloy na ginagamit
•Daynamik

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG KATUTUBO 800 B.C. – 800 A.D.
•Syllabic writing o pagpap­antig (Sanskrit, Alibata o Baybayin)
Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang
letra.
•Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama,
wika, aklat, galit, sadya, sandata, mutya, panday at salita.
Baybayin o Alibata ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat.
-Binubuo ito ng lapimp­itong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing­-apat (14) na katinig.

PANAHON NG KASTILA 1565-1872
•March 15, 1521–D­umating si Magellan sa Pilipinas.
•February 13, 1565 –Dumating si Legaspi para sakupin ang Pilipinas.
•Ipina­g-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga katutubo.
•Hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga katutubo.
•Ginawang sapilitan ang pag- aaral. Wikang Kastila sa pamaha­laan, vernakular sa mga paaralan.
•Gayun­paman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyonal na wika.
Romani­sasyon ng Alibata o Alpabetong Romano (Abece­dario)
-may dalawa­mpu’t siyam (29) na titik, limang (5) patinig o vocales at dalawa­mpu’t apat (24) na katinig o conson­antes.
•Ang Alphab­etong Romano ay pinagb­atayan ng Abakadang Tagalog na may
dalawa­mpung (20) titik.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN 1872-1898
•Panahon ng Kamulatan – namulat ang isipan at damdaming makabayan ng
mga Pilipino.
•Pinan­gunahan ng pangkat ng mga Ilustrado: Rizal, Luna, Del Pilar, Lopez Jaena
atbp.
•Nakap­ag-aral sa ibang bansa – Espanya (Europa)
•Natuto ng ibang ideolohiya (Nasyo­nalismo at demokr­asya)
•Naitatag ang Kartilya ng Katipunan (Emilio Jacinto) na nakasulat sa wikang Tagalog.
•Maraming naisulat na akdang pampan­itikan sa wikang Tagalog tulad ng tula,
sanaysay, kuwento, liham at talumpati upang magising ang mga Pilipino.
•November 1, 1897 – Sa pamama­gitan ng Saligang Batas ng Biak-n­a-Bato- nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.”
•Itina­dhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elemen­tarya ay wastong pagbasa, pagsas­alita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang pangun­ahing simulain ng Ingles.

PANAHON NG AMERIKANO 1898-1990
•Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang pangwika sa Pilipinas. Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa Maynila. Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano (Thoma­sites) na nagturo ng Ingles.
•March 4, 1900 – Alinsunod sa Pangka­lah­atang Kautusan Blg. 41, si Kapitan Alberto Todd ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang sistema ng edukasyon.
1. Pagtatag ng isang kompre­hen­sibong modernong sistema ng edukasyon.
2. Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
3. Pagpap­atupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan.
•1901 – Pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 74 na gawing
panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles.
•Oryen­tasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon – Pagpilit sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
•Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil mabuti ang pakikisama ng
mga Amerikano
•Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal: Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Litera­tura, Kasays­ayan, Pulitika at Ekonomiya.
•Ipina­gbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino.
•Nagkaroon ng Alphabet (A is for Apple kahit walang apple sa Pinas.)
•Lokal – baduy,
•Promdi / Imported – With Class, Sosyal.
•Pinaghalo ang wikang English at Tagalog (Enggalog o Taglish)
•Nagkaroon ng Cebuan­o-E­nglish, Ilokano –English at Caraba­o-E­nglish.
 

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG HAPON 1942-1945
•Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
•Nasarado ang lahat ng mga Paaralan.
•Sa muling pagbubukas nito, ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo.
•Sa pamama­gitan ng paaralan ay pinasi­mulan nila ang paglaganap ng ideolo­hiyang Hapones.
•Ibig ng mga Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles.
•Naging maunlad ang wikang pambansa, umunlad ang panitikang Pilipino.
•Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles, sapilitang ipinalit ang Wikang Pambansa at Nihonggo.
•Mga Paksa ng Pagtuturo: Pamumuhay at Kulturang Hapones, Kasaysayan ng
Silangang Asya, Mga Awiting Pilipino at Hapones.
•Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng tagalog sa mga gurong
hindi tagalog.
•Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat sa mga Hapones.

PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA 1946-1972
•Hulyo 4, 1946 – Batas Komonwelt Blg. 570 – ang wikang pambansa ay isa nang
Wikang Opisyal sa Pilipinas.
•1946 – ang wikang pambansa ay tatawaging “Wikang Pambansang Pilipino.”
•1951 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Wikang Pilipino.”
•Marso 26, 1954 – Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Prokla­masyon Blg. 13, ang •Pagdi­riwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4
•Setyembre 23, 1955 – Prokla­masyon Blg. 186 – Inilipat ang petsa ng pagdir­iwang sa Agosto 13-19. Itinapat sa kaarawan ni Pang. Quezon.
•Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangka­gawaran Blg. 7 – ang wikang pambansa ay tatawaging “Pilip­ino”.
•1970 – Resolusyon blg. 70 – Ang wikang pambansa ay naging wikang panturo sa antas elemen­tarya.
•Hulyo 29, 1971 - Memorandum Sirkular 488– magdaos ng palatu­ntunan sa pagdir­iwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
•Muling binuo ni Pang. Marcos ang SWP at itinakda ang mga kapang­yarihan nito.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN 1972-1985 1972
Saligang Batas ng 1972 (Art. XV, s.2-3) – Ang Batasang Pambansa ay magsas­agawa ng mga hakbang tungo sa pagpap­aunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang tatawaging Fiipino at hangga’t di binabago ang batas,
•Ang Ingles at Fiipino ang manana­tiling mga opisyal na wika ng Pilipinas.
•1973 – Resolusyon Blg. 73-7– Patakarang Edukasyong Biling­guwal
•September 10, 1983 – Ang Consti­tut­ional Commission ay inapru­bahan na pormal na pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa.
•1986- KASALU­KUYAN – Oktubre 12, 1986 – pinagtibay ang implem­ent­asyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika.
•Enero 1987 – Kautusang Tagapa­gpa­ganap Blg. 117 – pinalitan ang SWP ng LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
•Mayo 1987 – Inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing (Kalihim ng Edukasyon) ang Kautusang •Pangk­aga­waran Blg. 32, FILIPINO – wika ng literasi, English – wika
ng agham at teknol­ihiya.
Kautusang Pangka­gawaran Blg. 81 – nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortogr­apiyang Filipino. “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.”
•Agosto 14, 1991 – Batas Republika Blg. 7104- Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
•Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Prokla­masyon Blg. 1041. Nagpap­ahayag sa taunang pagdir­iwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31.

Antas ng WIka

A. Pormal
-mga salitang pamantayan dahil ito ay kiniki­lala, tinata­nggap at ginagamit ng karamihang nakapa­g-aral sa wika.
-Gumagamit ng bokabu­laryo na mas komplikado
kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan.

Dalawang Uri ng Pormal na Wika
1. Pamban­sa/­Lingua Franca
-ginagamit sa mga aklat, babasahain at sirkul­asyong pangmadla.
-Ito ay wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalan at itinut­uring na mga salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibili­sasyon at kalakaran.
Halimbawa: aklat, ina, ama, masaya

2.Pampan­itikan
-itinu­turing na pinaka­may­amang uri dahil karaniwang ginagamit ang mga ito sa pagsulat ng masisining na akdang pampan­itikan.
-ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampan­itikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha,
-palabas at iba pang likhang pampan­itikan. Gumagamit din ito ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema at punto.
Halimbawa: mabulaklak na dila, di-mal­iparang utak, balat-­sib­uyas, tainga­ng-­kawali, nagbukas ng dibdib

Tatlong Uri ng Impormal na Wika
1. Pabalb­al/­Balbal
-may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinut­uring na pinaka­mab­abang antas ng wika.
-mga salitang pangkalye o pangla­nsa­ngan.
-tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may mabubuong mga salita.
-ito ay karaniwang nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsis­ilbing koda
nila sa kanilang pakiki­pag­-usap.
Halimbawa: parak – pulis, eskapo – takas sa bilang­guan, istokwa – naglayas, juding – bakla, tiboli – tomboy, balbonik – taong maraming balahibo sa katawan

2. Kolokyal
-mga salitang ginagamit sa pang-a­raw­-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
-nagta­taglay ng kagasp­angan ang mga salitang ito subalit maari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsas­alita gayon din sa kanyang kinaka­usap.
-ginagamit din ito sa okasyong impormal at isinas­aal­ang­-alang dito ang mga salitang
madaling mainti­ndihan.
Halimbawa: lika – halika, naron – naroon, meron – mayroon, nasan – nasaan

3. Lalawi­gan­in/­Pan­lal­awigan
-karan­iwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga cebuano, batangeño, bicolano at iba pa na may tatak lalawi­ganin sa kanilang pagsas­alita.
-Isang palata­ndaan ng lalawi­ganing tatak ay ang punto o accent.
-Ito ay mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook o lalawigan.
Halimbawa: Kaibigan – Tagalog, Gayyem – Ilokano, Higala – Cebuano, Amiga – Bikolano
 

VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

Consta­ntino (2002)
-Pagka­kaisa sa pagkak­aiba. Pagkakaiba tungo sa pagkak­aisa.
-Dito ay hayagan niyang iniugnay angnma­laking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay kinasa­san­gkutan ng isang masining na kultura.
-Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpap­ahayag ng espiri­tu/­kal­uluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan o komuni­dad.”
-Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang dumidi­velop ng kani-k­anilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng pagkak­aib­a-iba sa panini­wala, gawi, kaalaman pati na rin sa wika.

Zosky
-mayroong tinatawag na varayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika higit sa isang paraan.
-Tulad na lamang ng kanyang tinatawag na idyolek, dayalek, sosoyolek, rejister, estilo at moda, rehiyon, edukasyon, midya, atityud at iba pa.

Varayti
-ang wika ay hetero­geneous o nagkak­aib­a-iba, dala ito ng nagkak­aibang pangkat ng tao na
may iba't ibang lugar na tiniti­rahan, interes, gawain, pinag-­aaralan at iba pa.
-pagka­karoon ng natata­nging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-­sit­was­yunal.

Varyasyon
-sa pagdaan ng panahon, nagiging espesy­alisado ang gawain at tungkulin at ito ay nagrer­esulta ng pagkak­aib­a-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

Konsepto ukol sa Varayti at Varvasyon ng Wika

1. Dayalek o Dayalekto
-varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
-nakikita ito kaugnay sa pinang­gal­ingang lugar ng tapags­alita o grupo ng tagapa­gsa­lita.
2. Idyolek o Idyolekto
-varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ngwika ng partikular na indibi­dwal,
-ang paggamit ng partikular na bokabu­laryo nang madalas
3. Sosyolek
-ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan,
-nagta­takda ito ng klasif­ikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay, interes, hilig at kasarian.
4. Rejister
-varayting kaugnay sa panlip­unang papel na ginaga­mpanan ng tagapa­gsalita sa oras ng pagpap­ahayag. Ito ay tumutukoy sa espesy­ali­sadong paggamit sa wika upang makilala ang espesi­pikong domeyn o gawain.
5.Estilo
-varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsas­alita sa kausap.
-Maaaring ito aynformal, kolokyal at personal.
6. Mode
-varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpap­ahayag tulad ng pasalita o pasulat.

Teorya ng Wika

1. Tore ng Babel- bible
2. Bow-Wow- hayop
3. Ding-dong- kalikasan
4. Pooh-pooh- masidhing damdamin
5. Yoo-he-yo- pwersang pisikal
6. Yum Yum- galaw o pagbabago ng posisyon ng dila
7. Ta-ra-­ra-­boo­m-de-ay- tunog galing sa mga ritwal.
8. Sing-song- musikal o pag-awit
9. Ta-ta- galaw o kumpas ng kamay
10. Mama- pinaka­mad­aling pantig
11. Coocoo- nilikhang tunog ng sanggol
12. Lala- romansa
13. Hey, you!- pagkak­aki­nlanlan
14. Bubble Lucky- walang kahulugang bulalas, swerte
15. Hocus Pocus- mahikal
16. Eureka- pag-im­bento, succes­s=e­ureka!

Pagbabago ng Alpabeto

 
1. Baybayin
2. Alpabetong Romano
3. Abakadang Tagalog
4. Alpabetong Ingles
5. Alpabetong Pilipino

Pagbabago sa Surian ng Tagalog

 
SWP- Surian ng Wikang Pambansa
LWP- Linangan ng Wika sa Pilipinas
KWF- Komisyon ng Wikang Filipino
           
 

Comments

thanks for sharing

Add a Comment

Your Comment

Please enter your name.

    Please enter your email address

      Please enter your Comment.

          Related Cheat Sheets

          KOMFILModule 3:Pananaliksik, Pagbasa, Komunikasyon Cheat Sheet
          Module 4_KOMFIL: Pagbubuod Cheat Sheet